Para po doon sa mga kailangang kailangang umalis ng bahay, please remember: 

Dumistansya po ng 1 metro mula sa tao sa harap, likod at tabi ninyo para po maiwasang mahawa sa virus.

Kung kayo po ay may mga katanungan pumunta lamang sa www.doh.gov.ph or sa facebook page ng DOH.


#BeatCovid19 #COVID19PH



Meron po sana akong kahilingan sa inyo.

Manatili po tayo sa bahay.


Lahat tayo ay gusto ng matapos itong COVID-19 health situation ng ating bansa.

Para ito ay mangyari, kailangan nating manatili sa bahay. Hindi lang po sarili natin ang nililigtas natin pag tayo ay nanatili sa bahay, pati din po ang ating pamilya, kabarkada at kapitbahay.

Tandaan, sa sakripisyong ito maraming buhay ang maliligtas. Sa bahay na lang muna tayo ngayon.

Kung kayo po ay may mga katanungan pumunta lamang sa www.doh.gov.ph or sa facebook page ng DOH.



#BeatCovid19 #COVID19PH #BahayMunaBuhayMuna



Kahit hindi tayo healthcare worker, meron tayong magagawa para makatulong na tumigil ang pag-spread ng COVID-19. Wag na po nating pataasin ang dami ng COVID-19 positive patients sa bansa.

Ito po ang mga dapat nating gawin:
  1. tumigil sa bahay
  2. keep your distance, 1 metro dapat -- mala-mala mula braso hanggang daliri
  3. ugaliing maghugas ng kamay palagi at wag hawakan ang inyong bibig, ilong, tenga at mata.
Hindi po madaling gawin pero, pag sama-sama tayo, kaya natin ito.

Shout out sa lahat ng ating mga frontliners – mga health workers, security guards, employees sa grocery, delivery guys, etc. Huwag natin sayangin ang sakripisyo nila.

Kung kayo po ay may mga katanungan pumunta lamang sa www.doh.gov.ph or sa facebook page ng DOH.

#BeatCovid19 #COVID19PH #BahayMunaBuhayMuna
Next PostNewer Posts Previous PostOlder Posts Home